Boluntaryong isinuko ng isang residente ang kanyang loose firearm sa mga awtoridad sa Brgy. San Sebastian, Luna, Apayao nito lamang Oktubre 18, 2023.
Ang isinukong armas ay isang uri ng Homemade 12 Gauge Shotgun na walang marka, at live ammunitions.
Ang pagsuko ng naturang armas ay resulta ng mas pinaigting na kampanya kontra sa Loose Firearms o ang RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act.
Nanawagan naman ang Luna PNP sa iba pang may-ari ng baril na walang kaukulang dokumento na isuko sa kanilang himpilan upang maiwasan magkaroon ng kaso.