Boluntaryong isinuko ng isang indibidwal ang isang loose firearm sa mga awtoridad sa Brgy. Sabnangan, Luba, Abra nito lamang Oktubre 15, 2023.
Batay sa ulat, isinuko ng isang residente sa mga tauhan ng Tayum PNP ang isang home-made cal. 45 pistol, walang serial number at bala.
Hindi na pinangalanan ang pagkakakilanlan ng may-ari ng baril para sa kanyang seguridad.
Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng pagsasagawa ng barangay Pulong-Pulong at Oplan Katok bilang bahagi ng anti-criminality campaign ng PNP na naglalayong mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng komunidad.