Isang loose firearm ang boluntaryong isinuko ng isang residente ng Barangay Poblacion, Lacub, Abra nito lamang Setyembre 14, 2023.
Batay sa ulat, habang nagsasagawa ang mga miyembro ng Lacub Municipal Police Station ng Barangay Visitation Joint Effort and Engagement with the People (JEEP) at nagbahagi ng karagdagang kaalaman patungkol sa anti-illegal drugs, peace and order, anti-criminality at EO 70 NTF-ELCAC ay nahimok ang nasabing residente na isuko ang kanyang loose firearm.
Napag-alaman na isang Caliber 38 revolver na may serial number na 924553, na walang marking at bala ang isinuko nito sa mga awtoridad.
Samantala, hinikayat naman ng Lacub PNP ang lahat ng firearm owners na walang lisensya at paso na ang rehistro na isuko ang kanilang mga baril upang makaiwas sa mga posibleng kasong maisampa laban sa kanila.