Boluntaryong isinuko ng isang residente ang kanyang loose firearm sa Barangay Hall ng Ripang, Conner, Apayao na kalaunan na i-turn-over sa mga tauhan ng Conner Municipal Police Station, Conner, Apayao nito lamang ika-18 ng Agosto 2023.
Ang isinukong armas ay isang uri ng Chamber fed 12GA homemade Shotgun na walang marka at live ammunition.
Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng mas pinaigting na kampanya kontra sa Loose Firearms sa ilalim ng batas na RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act at mga serye ng Brgy. Visitation sa nasabing lugar.
Patuloy ang isinasagawang paghikayat ng mga awtoridad sa mga residente sa kanilang nasasakupan na isuko ang mga ilegal na armas bago pa nila ito magamit sa krimen at maging dahilan ng kanilang pagkakakulong.