Boluntaryong isinuko ng isang indibidwal ang isang loose firearm sa Poblacion, Kabayan, Benguet nito lamang ika-13 ng Hunyo 2023.
Batay sa ulat, isinuko ng isang residente sa mga tauhan ng Kabayan PNP ang isang Caliber .22 revolver na walang bala.
Hindi na pinangalanan ang pagkakakilanlan ng may-ari ng baril para sa kanyang seguridad.
Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng pagsasagawa ng barangay visitation, Oplan Katok at Oplan Bakal Sita bilang bahagi ng anti-criminality campaign ng PNP.
Ito ay naglalayong mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng komunidad at maiwasan ang anumang panganib dulot ng pagdadala ng baril.