Boluntaryong isinuko ang isang loose firearm ng isang residente ng Barangay Ampusongan, Bakun, Benguet nito lamang Disyembre 11, 2023.
Batay sa ulat ng Bakun Municipal Police Station, isinuko ang isang Cal.45 na may markang “Colt Cal, 45 U.S.A. sa barrel na may serial number 74262 at walang bala mula sa residente ng naturang barangay na hindi na pinangalanan para sa kanyang seguridad.
Ang pagsuko ay naging matagumpay dahil sa isinagawang serye ng Barangay Visitation, Oplan Katok, Oplan Bakal, at Oplan Sita ng Bakun PNP.
Patuloy ang panawagan ng mga awtoridad sa lahat ng nagmamay-ari ng baril na walang kaukulang dokumento na isuko upang maiwasan magkaroon ng kaso.