Boluntaryong isinuko ng Punong Barangay ang isang loose firearm sa mga tauhan ng Calanasan Municipal Police Station sa Barangay Namaltugan, Calanasan, Apayao nito lamang ika-13 ng Nobyembre, 2024.
Ang nasabing armas ay isang Homemade Cal. 22 Pistol na walang marka at bala.
Ang nasabing baril ay isinuko ng isang indibidwal at hindi na pinangalanan Para sa kanyang seguridad at bilang suporta sa kampanya ng Kalanasan PNP laban sa loose firearms.
Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng patuloy na kampanya kaugnay sa provision of RA 10591 ng PNP kontra loose firearms.