Boluntaryong isinuko ang isang loose firearm ng isang indibidwal sa mga miyembro ng Flora Municipal Police Station sa Barangay Poblacion, West, Flora, Apayao nito lamang ikaw-18 ng Oktubre 2023.
Napag-alaman na ang isinuko ay isang homemade pistol cal. 22 magnum na walang markings at ammunition.
Ang naturang pagsuko ay resulta ng mas pinaigting na barangay visitation and information dissemination ng Flora MPS para sa paghahanda sa nalalapit na eleksyon.
Panawagan naman ng Flora PNP na isuko ang mga baril na walang kaukulang dokumento upang maiwasan ang magkaroon ng kaso.