Boluntaryong isinuko ng isang indibiwal ang isang loose firearm sa mga otoridad sa Boliney, Abra nito lamang ika-11 ng Nobyembre 2024.
Batay sa ulat, ang isinukong loose firearm sa mga tauhan ng Boliney Municipal Police Station ay isang homemade caliber 45 pistol na walang markings at ammunition.
Ang pagsuko ay resulta ng mas pinaigting na PNP’s Intensified Campaign against Loose Firearm sa pamamagitan ng barangay visitation at information dissemination ng kapulisan na may layunin na makalap at mahanap lahat ng loose firearms para maiwasan na magamit ito sa krimen at mapanatili ang seguridad at kaligtasan ng mamamayan sa bawat komunidad.
Patuloy pa rin ang panawagan ng PNP sa mga mamamayan na isuko ang mga baril na walang kaukulang dokumentosyon para maiwasan ang pagkaroon ng kaso.