Boluntaryong isinuko ng isang indibidwal ang isang loose firearm sa Barangay Quimloong, Bucay, Abra nito lamang ikaw-18 ng Hulyo 2023.
Batay sa ulat, isinuko ng isang residente ng Brgy. Quimloong sa kanilang SK Chairman na agad iturn-over sa himpilan ng Bucay Municipal Police Station ang isang homemade caliber 22 revolver na walang marking.
Hindi na pinaalam ang pagkakakilanlan ng may-ari ng baril para sa kanyang seguridad.
Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng pagsasagawa ng Barangay visitation at Oplan Katok ng PNP.
Samantala, hinihikayat naman ng Abra PNP ang lahat ng firearm owners na walang lisensya na isuko ang kanilang mga baril upang maiwasan ang kasong pwedeng ipataw sa kanila.