Boluntaryong isinuko ng isang residente ang isang loose firearm sa mga tauhan ng Tayum PNP nito lamang Pebrero 28, 2023.
Ang isinukong armas ay isang 12-gauge homemade shotgun without serial number, markings at ammunition.
Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng isinasagawang seryeng Oplan Katok/Barangay Pulong-Pulong na naglalayong maprotektahan ang mga nagmamay-ari ng baril sa kasong pwede nilang harapin kung sakaling hindi makapagrenew ng lisensya o permit.