21.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Loose Firearm boluntaryong isinuko sa Tanudan, Kalinga

Boluntaryong isinuko ng isang residente ang isang loose firearm sa Tanudan Municipal Police Station sa Tanudan, Kalinga nito lamang Biyernes ng umaga, Hulyo 22, 2022.

Ang isinukong armas ay isang uri ng Caliber 38 na walang malinaw na serial number.

Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng isinasagawang serye ng Barangay visitation at dialogue na “Dumanun Makitungtung” sa mga residente ng Lubo, Tanudan, Kalinga sa pamumuno ni Police Captain Manuel DM Sabado, Chief of Police.

Ito din ay may kaugnay sa pinaigting na pagsasakatuparan ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO), na nakatuon sa kampanya laban sa loose firearms (RA 10591), mga paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165), pag-aresto sa mga wanted person, anti-illegal logging, at anti-illegal gambling activities.

Nasa kustodiya na ngayon ng Tanudan MPS ang nabanggit na baril na may nakaukit na markang “CTM-07-22” bago i-turn-over sa Kalinga PPO-SOCO para sa tamang dokumentasyon at wastong disposisyon.

Layunin nitong mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa komunidad at maiwasan ang nagbabadyang panganib na dulot ng terorismo at kriminalidad sa bansa.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles