Boluntaryong isinuko ng isang punong barangay ang isang loose firearm sa Tanudan PNP sa Tanudan, Kalinga nito lamang Oktubre 22, 2022.
Batay sa ulat, isang residente ng nasabing lugar ang nagturn-over kay Punong Barangay Raymundo Lumiwan, Punong Barangay ng Babbanoy, Tanudan ng isang Caliber .8 Millimeter Pistol na may isang magazine na walang serial number na may nakaukit na markings “Me 8 Police cal 8 mm Made in Italy’.
Hindi na binanggit ang pagkakakilanlan ng may-ari para sa kanyang seguridad.
Samantala, nanawagan naman ang Tanudan PNP sa iba pang nagmamay-ari ng baril na walang dokumento na isuko sa pulisya upang maiwasan na magkaroon ng kaso.