Boluntaryong isinuko ng isang residente ang isang loose firearm sa mga tauhan ng San Isidro Municipal Police Station sa San Isidro, Abra nito lamang ika-26 ng Pebrero 2023.
Napag-alaman na ang isinukong armas ay isang caliber 22 na walang serial number.
Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng isinasagawang serye ng Oplan Katok ng San Isidro Municipal Police Station na naglalayong maprotektahan ang mga nagmamay-ari ng baril sa kasong pwedeng kaharapin kung sakaling hindi makapagrenew ng lisensya o permit.