Boluntaryong isinuko ng isang residente sa mga awtoridad ang isang loose firearm sa Brgy. Bolbolo, Pilar, Abra nito lamang Miyerkules, Pebrero 1, 2023.
Ang isinukong armas ay isang uri ng Caliber 38 na may markang TRADE MARMI, na walang bala at serial number.
Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng isinasagawang serye ng barangay visitation at dialogue, patungkol sa loose firearms at mga pampasabog sa naturang barangay na naglalayong himukin ang bawat mamamayan na makiisa sa gobyerno tungo sa kapayapaan at kaayusan.