Boluntaryong isinuko ng isang indibidwal ang isang loose firearm sa Tuplac, Barangay Hall, Kiangan, Ifugao nito lamang Abril 25, 2023.
Batay sa ulat, isinuko ng isang residente ng nasabing lugar kay Hon. Rommel Licyayo, Barangay Captain ang isang homemade pistol-type shotgun (Sumpak) with no ammunition.
Agad naman itong naiturn-over sa Kiangan PNP at ang nasabing pagsuko ay naglalayong suportahan ang kampanya ng gobyerno laban sa paggamit ng ilegal na armas.
Samantala, patuloy na hinihikayat ng pulisya ang mga mamamayan na may tinatagong baril o ano mang ilegal na armas na isuko na upang hindi magkaroon ng kaso.