Boluntaryong isinuko ng isang indibidwal ang kanyang short firearm sa Hingyon Municipal Police Station sa Hingyon, Ifugao nito lamang ika-29 ng Abril 2023.
Napag-alaman na ang isinukong baril ay isang caliber.38 revolver na walang bala, walang serial number, walang markings, at walang ammunition.
Ang nasabing pagsuko ay kaugnay sa mas pinaigting na kampanya laban sa paggamit ng ilegal na armas sa buong bansa.
Patuloy naman ang panawagan ng mga awtoridad sa mga mamamayan na isuko ang mga hindi rehistradong baril upang makaiwas sa posibleng maidulot nito na kapahamakan.