Boluntaryong isinuko ng isang magsasaka sa mga awtoridad ang isang loose firearm sa Flora, Apayao nito lamang Pebrero 21, 2023.
Ang isinukong armas ay isang uri ng Homemade 12GA shotgun without markings and ammunition.
Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng isinasagawang serye ng barangay visitation at dialogue patungkol sa loose firearms at mga pampasabog.
Hinihikayat naman ng pulisya na kuhanan ng kaukulang papel ang mga baril na pagmamay-ari nila upang maiwasang magkaroon ng kaso.