Boluntaryong isinuko ng isang residente ng Brgy. Manag ang isang loose firearm sa mga tauhan ng Conner Municipal Police Station, Conner, Apayao nito lamang Disyembre 2, 2024.
Ang isinukong armas ay isang klase ng Caliber 45 Pistol na may isang magazine at walang live ammunitions.
Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng patuloy na isinasagawang kampanya kontra iligal na bala at baril na isinasagawa ng ating kapulisan sa kanilang nasasakupan.
Ang Conner PNP ay patuloy na hinihikayat ang mga residente sa kanilang nasasakupan na isuko ang kanilang mga walang papel na baril o paso ang rehistro upang makaiwas na magkaroon ng kaso.
Source: Apayao Police Provincial Office