Boluntaryonng isinuko ang isang Loose Firearm sa Bakun Municipal Police Station sa Bakun, Benguet nito lamang Enero 23, 2023.
Isinuko ito ng isang indibidwal na hindi na pinangalanan at napag-alaman na ang naturang baril ay isang uri ng Cal. 38 revolver.
Ang nasabing pagturn-over ng baril ay bilang pagsuporta sa kampanya ng PNP laban sa ilegal na paggamit ng baril o armas at iba pang uri ng pampapasabog.