Boluntaryong isinuko ng isang taxi driver ang isang loose firearm sa mga tauhan ng Aurora Hill Municipal Police Station, Aurora Hill, Baguio City, nito lamang ika-9 ng Pebrero 2024.
Ang nasabing armas ay isang (1) homemade revolver calibre .38 na may markang Smith and Wesson na walang serial number at bala.
Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng patuloy na pagsasagawa ng kampanya kontra Loose Firearm ng mga kapulisan sa kanilang nasasakupan.
Kasalukuyan namang nasa pangangalaga ng Police Station 6 Baguio City Police Office ang naturang armas para sa wastong disposisyon at dokumentasyon.
Ang inisyatibong ito ng pulisya ay bilang pagpapaigting sa kampanya kontra loose firearms upang mapanatiling ligtas at payapa ang lungsod ng Baguio na isa sa mga dinarayo ng mga turista.