23.8 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

Lolang Centenarian sa Caba, La Union, tumaggap ng Php100,000Cash Incentive mula sa gobyerno

Isang Centenarian na naninirahan sa Caba, La Union ang nakatanggap ng cash incentive na nagkakahalaga ng Php100,000 mula sa gobyerno sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 (DSWD FO1) nitong ika-28 ng Setyembre, 2022.

Bagama’t may kahinaan na ang pandinig ng lolang Centenarian ay lubosang kanyang pasasalamat sa kanyang natanggap na insentibo mula sa ating pamahalaan lalong lalo na sa Mayor ng Caba, La Union na si Hon. Donna R Crispino at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) Caba dahil sa pagtulong sa kanya para maproseso ang kanyang natanggap na regalo sa pamahalaan.

Isa lamang siya sa mga Centenarians na kabilang sa mga Pilipinong nasa Pilipinas man o ibang bansa na nabigyan ng pagkilala sa natatanging kontribusyon sa lipunan sa pamimigay ng insentibo mula sa pambansa at lokal na pamahalaan. Ito ay naaayon sa Batas Republika Bilang 10868 o ang Centenarians Act.

Source: DSWD Field Office 1

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles