15.7 C
Baguio City
Sunday, October 20, 2024
spot_img

Lokal na Pamahalaan ng Tumauini, Isabela, nagsimula nang mamahagi ng Pamaskong Handog

Nagsimula nang mamahagi ng Pamaskong Handog ang lokal na pamahalaan ng Tumauini sa pamumuno ni Hon. Venus T Bautista, Municipal Mayor sa bawat pamilya ng mga barangay ng Tumauini, Isabela noong ika-3 ng Disyembre 2022.

Ang nasabing pamaskong handog (Christmas food packs) na may kasamang bigas ay personal na dinala ni Mayor Bautista, kasama si Vice Mayor Christopher B. Uy at mga Sangguniang Bayan Members sa may kabuuang 5,045 na pamilya ng walong barangay ng naturang munisipalidad.

Ipinamahagi rin ni Mayor Bautista ang VTB privilege card sa mga kababaihan sa mga nasabing barangay.

Ipagpapatuloy sa mga susunod pang mga araw ang pamamahagi ng Pamaskong Handog sa iba pang mga barangay sa bayan ng Tumauini.

Layunin ng pamamahagi na ito ang makapagbigay saya sa bawat pamilya para sa nalalapit na kapaskuhan.

Source: Bayan ng Tumauini fb Page

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles