Nakiisa sa National Bible Day ang Lokal na Pamahalaan ng Tabuk nito lamang ika-30 araw ng Enero 2023.
Pinangunahan ni Mayor Darwin Estranero katuwang si Vice Mayor Dick Bal-o at Sangguniang Panlungsod ang pakikiisa sa nasabing pagdiriwang kasabay ang Flag Raising Ceremony at nagbigay pagtuturo sa kahalagahan sa pagbabasa at pag-uunawa sa nilalaman ng Bibliya.
Ang National Bible Day ay ipinagdiriwang sa bisa ng batas na Republic Act 11163 na ipinagdiriwang taon taon.
Source: Tabuk City Public Information Office