18.8 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Lokal na Pamahalaan ng San Fernando, La Union, buo ang Suporta sa kampanyang Wakasan ang Karahasan sa Kababaihan

Buo ang suporta ng Lokal na Pamahalaan ng San Fernando, La Union sa kampanyang wakasan ang karahasan sa kababaihan na ginanap sa harap ng City Hall ng San Fernando, La Union.

Nagsama-sama ang mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng San Fernando, La Union at kawani ng Philippine National Police sa paglulunsad ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women.

Pinangunahan ng Gender and Development Office ang programa na may temang “United for a VAW-free Philippines” alinsunod sa Memorandum Circular 2022-04 ng Philippine Commission on Women.

Nagbigay ng opening remarks si Hon. Mark Anthony Ducusin, Vice Chairperson of the Committee on Women & Children. Ipinahayag nito ang kanilang pagsuporta sa gender and development at ang pagsusulong ng safe space para sa kababaihan at inclusivity.

Nagbahagi rin ng mensahe si City Mayor Hon. Hermenegildo A. Gualberto na siya ring GFPS Executive Committee Chairperson. Binigyang-diin nito ang pangakong susuportahan ang VAW Campaign at isusulong ang mga karapatan ng kababaihan.

Naghatid din ng mensahe si City Councilor Hon. Kyle Marie Eufrosito Y. Nisce patungkol sa mga programa para sa proteksyon ng kababaihan.

Panauhin din si Provincial Board Member Hon. Maria Rosario Eufrosina P. Nisce na nag-iwan ng pangakong gagawing pangmatagalang kampanya ang VAW campaign. Sa kanyang mensahe, mayroon din siyang pangarap na maging Gender Hub sa 2025 ang siyudad at maging gender-friendly palagi ang ating komunidad.

Ibinahagi rin ni Ms. Maria Theresa M. Navarro, GFPS TWG Chairperson ang mga nagawa ng GAD mula sa pagkakatatag nito. Samantala, dumalo sa pagtitipon sina City Administrator Col. Ramon F. Laudencia at ilang department heads, habang nagpaunlak ng intermission number ang Fernanda Got Talent Champion na si Ms. Annabelle B. Valdez.

Samantala, patuloy naman ang Lokal na Pamahalaan ng San Fernando, La Union sa pagsasagawa ng mga aktibidad at programa kung saan lubos na makikinabang ang kanilang nasasakupan nang sa gayon ay mas gumaan ang kanilang pamumuhay.

Source: City Government of San Fernando, La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles