Patuloy ang malasakit ng Lokal na Pamahalaan ng Pampanga sa mga residenteng Aeta ng upland barangays sa Lungsod ng Mabalacat sa pamamagitan ng programang Kapitolyo sa Barangay na isinagawa sa Sitio Lahar Marcos Village at 7th St. Dapdap Resettlement nito lamang Linggo, ika-23 ng Marso 2025.
Matagumpay ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Governor Dennis “Delta” Pineda, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang kinatawan mula sa PDRRMO, PSWDO, at GSO, na kung saan namahagi sila ng food packs, manok, at hotdog upang matiyak na may sapat na pagkain ang bawat pamilya.
Umabot sa 1,843 residente ang nakatanggap ng ayuda mula sa Pamahalaang Panlalawigan.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga benipisyaryo sa natanggap na biyaya.
Patuloy na ipinapakita ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga ang tunay na malasakit sa bawat Kapampangan sa pamamagitan ng Kapitolyo sa Barangay.
Sa programang ito, naihahatid ang pangunahing serbisyo ng gobyerno sa mga nangangailangan at sa sa pagpapabuti ng buhay ng mga mamamayan, lalo na sa malalayong komunidad.
