Patuloy na isinasagawa ang pagbibigay ng tulong sa mga Senior Citizens at Persons with Disabilities o PWDs sa bayan ng Narvacan.
Ayon kay Mayor Pablito V. Sanidad, Sr., ito ay pagtupad sa kanyang ipinangakong pagpapatuloy ng mga programang naglalayong maghatid ng suporta at tulong sa mga nakatatanda.

Noong ika-05 ng Mayo, 2025, personal na inihatid ni Mayor Sanidad, kasama ang mga kawani ng MSWDO ang isang wheelchair at mga Grocery Items kay Ginang Felicidad Cadorna ng Barangay San Antonio at kay Ginang Rosalina Camus ng San Jose ng nabanggit na bayan.
Sa pamamagitan ng mga programang katulad nito ay pinapalakas ang kultura ng respeto sa mga matatanda, na siyang nag-alay ng kanilang panahon at lakas noong sila’y mas bata pa.
Bukod dito, nagiging ehemplo ito sa mga kabataan kung paano dapat tratuhin ang mga matatanda—na may malasakit, paggalang, at pagpapahalaga.
Source: Municipal Government of Narvacan, Ilocos Sur