18.6 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Lokal na Pamahalaan ng Bontoc, nagsagawa ng Sangguniang Kabataan Mandatory Training

Matagumpay na nagsagawa ang Lokal na Pamahalaan ng Bontoc sa pamamagitan ng Local Youth Development Office ng Sangguniang Kabataan Mandatory Training sa Municipal Hall ng Bontoc, Mountain Province nito lamang ika-19 hanggang 20 ng Hulyo 2024.

Ang aktibidad ay bahagi ng paglunsad ng Youth CARES Program na may temang, “Youth CARES Summit: Bontoc’s Youth Development Program Towards Bontoc Ay Enlangakha”, bilang isang mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng mga kabataang lider ng Bontoc at pagpapasigla ng pag-unlad ng komunidad.

Tampok sa aktibidad ang pagtalakay ng mga mahahalagang paksa tulad ng mental health awareness, presentasyon ng mga ulat, social media captioning, at kahalagahan ng kabataan sap ag-unlad ng turismo.

Binigyang-diin ni Mayor Jerome “Chagsen” Tuldong Jr., na ang proaktibong paglahok ng mga kabataan ay mahalaga sa pag-unlad ng komunidad at hinikayat ang mga kalahok na ibahagi ang mga aral at kaalaman na kanilang natutunan sa kanilang kapwa kabataan.

Ang aktibong pakikilahok sa mga ganitong inisyatibo ay nakakatulong sa mga kabataang lider sa pagpapalaganap ng kultura at pagsuporta sa loob ng komunidad para sa mas malakas at nagkakaisang komunidad na kayang harapin ang mga hamon at yakapin ang mga oportunidad para sa progreso at pag-unlad.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles