19.2 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Lokal na Pamahalaan ng Bacnotan, nakiisa sa pagdaraos ng Earth Hour 2023

Nakilahok ang lokal na pamahalaan ng Bacnotan sa malawakang pagpatay ng ilaw at non-essential power supply alinsunod sa pagdaraos ng Earth Hour 2023 na naka-angkla sa temang, #BiggestHourForEarth nito lamang Marso 25, 2023.

Binigyang diin ng alkalde sa kanyang maikling talumpati ang kauna-unahang office order ng munisipyo sa taong ito, Office Order No. 2023-001 na nakatuon sa Energy Efficiency and Conservation Measures ng lokal na pamahalaan.

“We should make every day an Earth Hour Day; in our LGU, we also have our interventions para ma-save ‘yong energy, one is ‘yong pag-switch off ng air conditioning unit tuwing 4 o’ clock (tuwing hapon, at pag switch on tuwing 9 o’ clock lamang ng umaga); we make it a part of our daily life, not just today,” ani Mayor Divine Fontanilla.

Dagdag pa nito, iminumungkahi rin niya na maging ehemplo nawa tayo sa kabataan na marunong magpahalaga sa ating mundo. Giit pa niya, noong kasagsagan ng pandemya nabawasan kahit papaano ang polusyon dahil nasa bahay pa ang karamihan at hiling niya na ‘wag na umanong maghintay pa ng health crisis o anuman bago umaksyon para sa ating daigdig.

Samantala, nangangako naman ang mga namumuno sa Bacnotan, La Union na kaisa sila sa pagpapalawig ng mga inisyatibong pangkalikasan at ipagpapatuloy nito ang mga makakalikasang programa tungo sa mas malinis na kapaligiran.

Source: Bacnotan, La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles