18.8 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Lokal na Pamahalaan ng Bacnotan, nagbigay tulong para sa 1,073 enrollees ng Bacnotan Day Care Learners

Nagpaabot ang lokal na pamahalaan ng Bacnotan sa tulong ng Department of Social Welfare and Development ng mga suplay sa gaganaping 120-day supplemental feeding program na ipinamahagi sa Poblacion Covered Court para sa 1,073 enrolled Bacnotan Day Care Learners nito lamang ika-20 ng Setyembre 2023.

Ang naturang mga suplay ay ibinigay sa mga child development worker ng 47 child development centers ng bayan.

“Tulungan niyo rin ang parents ng mga bata para maging sustainable ang ating feeding program; conduct sessions with the parents para magtulong-tulong tayo sa pagpapatubo ng mga masusustansyang pagkain,” ani Mayor Divine Fontanilla.

Taos-puso rin ang pasasalamat ng alkalde sa DSWD Region 1 na inirepresenta ni Provincial Development Officer Janella Faith Bonilla.

Samantala, patuloy naman ang lokal na pamahalaan ng Bacnotan sa paghahatid ng tulong sa kanilang nasasakupan upang sa gayon ay mas gumaan ang pamumuhay ng mga ito.

Source: Bacnotan, La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles