Sumailalim ang lokal na pamahalaan ng Bacnotan sa Service Delivery Capacity Assessment ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 nito lamang ika-30 ng Agosto 2023.
Layunin ng naturang pagsisiyasat na makita ang kaangkupan ng isinasagawang programa at aktibidad ng lokal na pamahalaan partikular ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pagbibigay ng social services.
Nahati sa tatlong standards ang assessment: Administration and Organization, Program Management, at Institutional Mechanism.
Sa isinagawang exit conference, maganda naman ang naging pahayag ng mga kawani ng DSWD sa functionality ng MSWDO at nagpasalamat din si Mayor Divine sa kanilang mga suhestyon.
Samantala, patuloy naman ang lokal na pamahalaan ng Bacnotan sa inisyatibong naglalayong mailapit ang maayos, nararapat at angkop na serbisyo sa kanilang nasasakupan.
Source: Bacnotan, La Union