Nakiisa ang lokal na pamahalaan ng Bacnotan, La Union sa programa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na Balik Sigla sa Ilog at Lawa (BASIL) sa pamamagitan ng pagre-release ng tilapia fingerlings mula sa BFAR Ilocos Norte, nito lamang ika-8 ng Mayo 2023.
Umabot sa 25,000 na fingerlings ang naipamahagi sa bayan ng Bacnotan.
Tatlong lugar ang natukoy na pagpapakawalan ng mga fingerlings. Ito ay ang kahabaan ng Maragayap River sa bandang Barangay Maragayap at Barangay Nangalisan.
Ang iba pang tilapia ay ilalagay naman sa Barangay Bussaoit Dam.
Nakilahok naman sa aktibidad sina Mayor Divine Fontanilla, Vice Mayor Francis Fontanilla, Municipal Agriculture Office, at mga opisyal at kabarangayan sa identified locations.
Patuloy pa din ang lokal na pamahalaan ng Bacnotan sa pagpapabalik ng sigla sa katubigan at inaanyayahan naman ang lahat na pangalagaan ang mga ito.
Source: Bacnotan, La Union