Nagsagawa ng Local Recruitment Activity ang Public Employment Service Office (PESO) ng Tarlac City sa PESO Bldg., 3rd Floor Ligtasan, Tarlac City, Tarlac nito lamang Miyerkules, Nobyembre 9, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Mayor Cristy Angeles, Mayor ng Tarlac City kasama ang mga tauhan ng PESO.
Nagbigay pag-asa ang pamahalaan ng Tarlac City sa mga Tarlakenyo dahil sa handog na trabaho na nakatuon sa pagbibigay ng hanapbuhay para sa mga residente.