14.4 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Livelihood Training Program, isinagawa sa Tanza, Cavite

Ganadong nakilahok ang mga miyembro ng Women Sector Advocacy Support Group sa isinagawang Livelihood Training Program sa Fruitful Apparel and Manufacturing, Barangay Capipisa, Tanza, Cavite nito lamang Lunes, ika-8 ng Hulyo 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Tanza Municipal Police Station, sa pamumuno ni PLtCol Willy B Salazar, na nilahukan ng Women Sector Advocacy Support Group ng Barangay Capipisa, Tanza, Cavite.

Tampok sa aktibidad ang pagbibigay kaalaman sa paggawa ng kasuotan na kanilang tinawag na Livelihood Program na “Dress Tailoring” na labis na kinatuwa at pinasalamatan ng mga lumahok.

Layunin ng aktibidad na makapagbigay kaalaman na makakatulong sa kanilang pangkabuhayan katuwang ang mga kapulisan upang tulungan silang maiangat ang kanilang antas ng pamumuhay at makapag-umpisa ng maliit na negosyo.

Source: Tanza PNP

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles