15.1 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Livelihood Training para sa mga VAWC Survivor, isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles

Bilang bahagi ng selebrasyon ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women, nagsagawa ng Livelihood training ang Pamahalaang Lungsod ng Angeles para sa mga VAWC Survivor nito lamang Martes, ika-10 ng Disyembre 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr., City Mayor, sa pakikipagtulungan ng Gender and Development (GAD) Office sa pamumuno ni Ms. Mina Cabiles at ng Public Employment Service Office (PESO) na pinangungunahan ni G. Ferdinand P. Calma.

Matagumpay ang programang Garlic Longganiza Livelihood Training na aktibong nilahukan ng mga Violence Against Women and their Children (VAWC) Survivor na naglalayong bigyan ng mga praktikal na kasanayan ang mga ito upang makapagsimula ng sariling negosyo at makamit ang pinansyal na kalayaan.

Patuloy naman ang Lokal na pamahalaan na tumugon sa mga pangangailangan ng mga survivor sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga oportunidad para sa ekonomikal na katatagan at hinihikayat na gamitin ang natutunan upang mapaunlad ang kanilang pamumuhay.

Ito ay bahagi ng mas malawak na inisyatibo ng naturang lungsod upang makapagtaguyod ng isang inklusibo at suportadong komunidad para sa lahat.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles