Nagsagawa ng pamamahagi ng Livelihood Settlement Grant (LSG) ang Social Welfare and Development (SWAD) Sustainable Livelihood Program (SLP) sa Norzagaray, Bulacan nito lamang Linggo, ika-12 ng Mayo 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Ms. Edna Tulabut, SLP Provincial Coordinator, kasama ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Hon. Maria Elena Germar, Mayor ng Norzagaray at Ms. Annalyn Joy San Pedro, Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO), na dinaluhan ng 28 na SLP participants at walong indibidwal na tumanggap ng LSG.
Ang pagkakaloob ng Livelihood Settlement Grant (LSG) ay naganap sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tseke sa mga benepisyaryo na may kabuuang halaga na Php420,000.
Layunin nito na suportahan ang mga apektadong negosyo at kabuhayan upang makabangon mula sa pinsalang dulot ng bagyong Falcon at Egay noong nakaraang taon.
Patuloy naman ang pagtutulungan ng pambansang gobyerno at lokal na pamahalaan sa pagbibigay suporta at oportunidad sa mga apektadong sektor na siyang bahagi ng layunin ng administrasyon na mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino, lalo na sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad.
Panulat ni Lixen Reyz A Saweran