19.4 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Livelihood Program para sa mga Aeta, isinagawa sa Pampanga

Isinagawa ang livelihood program ng Pampanga PNP para sa mga katutubong Aeta sa Sitio Pidpid, Barangay Sapang Uwak, Porac, Pampanga nito lamang Lunes, ika-13 ng Enero 2025.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel San Juan Felmar D Aquino, Force Commander ng Pampanga 1st Provincial Mobile Force Company katuwang ang Regional Police Community Affairs and Development Unit 3.

Tinuruan ng naturang grupo ang mga katutubo ng kung paano gumawa ng kikiam gamit ang pangunahing sangkap na sardinas na maaaring magamit sa kanilang pangkabuhayan o pagnenegosyo para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

Sa ganitong paraan, inaasahang makatutulong ito sa pagpapabuti at pagpapalago ng kabuhayan ng mga residente.

Patuloy ang Pambansang Pulisya sa pakikipagtulungan sa pamahalaan upang maghatid ng tulong sa mamamayan, lalo na sa mga lubos na nangangailangan, bilang bahagi ng pagsisikap na mapabuti ang kanilang kabuhayan at makamit ang kaunlaran.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles