Ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac ang livelihood kits para sa mga kababaihan nito lamang Linggo, ika-13 ng Nobyembre 2022.
Ito ay sa pangangasiwa ng City Cooperative and Enterprise Management Office sa ilalim ng programang Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa.
Umabot sa 36 na mga kababaihan mula sa Kaisa Women’s Organization (KWO) at Tarlac City SMEs ang naging benepisyaryo ng naturang programa.
Ang programa ay naglalayong magbigay ng tulong sa mga kababaihan ng Tarlac City upang makapagsimula ng kanilang negosyo at makatulong ito sa kanilang pamumuhay.