20.2 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Livelihood Enhancement Program, isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Concepcion

Tuloy tuloy ang pamamahagi ng Free Range Chicken kaugnay sa Livelihood Enhancement Program ng Lokal na Pamahalaan ng Concepcion para sa mga magsasaka sa Concepcion Municipal Hall, Tarlac nito lamang ika-27 ng Disyembre 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Noel Villanueva, Mayor ng naturang bayan katuwang si Dr. Roland Arciga ng Municipal Veterinary Office.

Sa kabuuan, nakapagbigay ng 500 free-range chicken na bahagi ng pagsuporta ng lokal na pamahalaan na matulungan sa kabuhayan ng mga magsasaka sa kanilang komunidad.

Layunin ng programang ito na mabigyan ang mga magsasaka ng karagdagang pagkukunan ng kabuhayan habang naghihintay ng ani ng palay at mais.

Patuloy ang pagtutok ng gobyerno sa pagpapabuti ng mga mamamayan sa pamamagitan ng mga makabuluhang programa para sa maunlad na Bagong Pilipinas.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles