Nagsagawa ng Livelihood Assistance Grant (LAG) payout ang Department of Social Welfare and Development Field Office 1 sa Sugpon, Ilocos Sur noong Abril 22, 2022.
Ito ay alinsunod sa Sustainable Livelihood (SLP) Program ng DSWD na pinangunahan ni Director Atty. Rigel Kent Villacarlos, SLP National Program Manager.
Mahigit 60 na residente ng bayan ang kwalipikadong benepisyaryo ng nasabing programa.
Lubos ang pasasalamat ng mga naging benepisyaryo ng programa dahil magagamit nila ito sa pagsisimula ng negosyong pangkabuhayan nila.
Ang LAG ay isa sa mga recovery and rehabilitation programs ng pamahalaan na may pangunahing layunin na magsilbing tugon para sa mga pamilyang kabilang sa low income o informal sector na nawalan ng pagkakakitaan o kabuhayan dulot ng pandemya.