24.1 C
Baguio City
Monday, October 21, 2024
spot_img

Lighting of Christmas Village, inilunsad sa bayan ng Tuao

Ramdam na ramdam ang Pasko sa bayan ng Tuao nang inilunsad ang makulay at masayang pagsisimula ng Lighting of Christmas Village na ginanap sa Tuao East, Cagayan noong gabi ng Nobyembre 27, 2022.

Ang Local Government Unit ng Tuao ay naghandog ng samu’t saring aktibidad para sa pagdiriwang ng kapaskuhan ngayong taon.

Isang giant Christmas tree ang pinailawan. Isa na rito ang nakakamangha na dance competition na ipinakita ng iba’t ibang elementary schools sa Tuao East.

Bukod dito, nagkaroon rin ng masayang ballroom dance para sa ating Governor at iba pang mga dumalong opisyales.

Mayroon ding musical band, Christmas bazaar, at libreng Christmas photobooth na ikakatuwa at babalik-balikan ng mga bumibisita. Mapapa-wow ka talaga sa saya sa Tuao!

Sa talumpati ni Governor Manuel M. Mamba, kanyang inihayag ang lubos na paghanga at pasasalamat sa bayan ng Tuao.

Ibinahagi ng Governor ang kanyang pagkagalak sa walang sawang pagsuporta at pagtaguyod ni Mayor William N. Mamba sa bayan at mga mamamayan ng Tuao.

Nagtapos ang kaganapan sa isang napakasayang makulay at makislap na fireworks display.

Source: Cagayan PIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles