Malalim ang pagpapahalaga ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamumuno ni Gov. Ramon V. Guico III sa galing at dedikasyon sa pag-aaral ng mga kabataang Pangasinense nito lamang ika-11 ng Abril 2025.
Patunay dito ang “The Governor’s Awards” na nakabatay sa Provincial Ordinance No. 302-2023. Isa itong programang naglalayong parangalan ang kahusayan ng mga estudyante sa Senior High School.
Sa ilalim nito, ginagawaran ng gold, silver, at bronze medals ang tatlong estudyante ng Grade 12 na makakuha ng pinakamataas na marka sa bawat paaralan.
Bukod dito, mayroon ding “Medal of Diligence” na ibinibigay sa mga estudyanteng may pinakamataas na marka sa Values Education at nagpakita ng natatanging dedikasyon at tiyaga sa kanyang pag-aaral.
Kamakailan lang, 6,200 na mga medalya ang ipinamahagi sa iba’t ibang schools division offices sa lalawigan para sa nasabing programa.