Muling umarangkada at namigay ng dalawang libreng wheelchair sa mapalad na senior citizens na residente ng Barangay Sto. Rosario at Malabinians, Angeles City nito lamang Miyerkules, Disyembre 21, 2022.
Ang programa ay sa ilalim ng pamumuno ni Honorable Carmelo Lazatin, Mayor ng Angeles City.
Malaking tulong ito para sa kanilang gagamitin pang araw- araw na naghatid ng kaginhawaan sa ating mga senior citizens.
Patuloy ang pamahalaan ng Angeles City na magbibigay ng serbisyo para sa magandang kinabukasan ng kanilang nasasakupan.