14.5 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Libreng tuli isinagawa sa dalawang ospital sa Nueva Ecija

Nagsagawa ang San Antonio District Hospital at Gapan District Hospital ng Libreng Tuli para sa mga kalalakihang edad sampu pataas nito lamang ika-18 ng Hunyo 2022.

Ito ay programa ng Provincial Government ng Nueva Ecija sa pangunguna ni Governor Aurelio Umali katuwang ang mga nurses, nursing attendants at mga doctor ng nasabing ospital.

Ayon kay Dr. Nap Palor, Officer-in-Charge ng San Antonio District Hospital, nakaugalian na ng mga binatilyo ang magpatuli tanda ng pagpapanatili ng kalinisan sa katawan. Hindi rin daw totoo na tatangkad ang mga lalaki kapag tinuli.

Dagdag pa ni Dr. Palor, ilan pa sa mga benepisyo ng pagpapatuli na maaaring idulot lalo na sa kalusugan ng mga lalaki ay ang mas maliit na posibilidad ng pagkakaroon ng Urinary Tract Infection at pagkakahawa sa mga Sexually Transmitted Disease.

Payo ni Dr. Palor sa mga nagpatuli na linisin lamang ng malinis na tubig ang sugat, inumin ang starter dose na gamot na ibinigay sa kanila ng ospital at kumpletuhin ang pitong araw ng antibiotic upang maiwasan ang infection.

Sa kabuuan, umabot ng 178 na batang lalaki ang nagpatuli nitong Hunyo habang 158 naman noong buwan ng Mayo.

Samantala, 81 na binatilyo naman ang nakinabang sa libreng tuli ng Gapan District Hospital.

Nabigyan din ng gamot ang mga natuli upang hindi na gumastos pa ang kanilang mga magulang sa pagbili ng kanilang medikasyon.

Marami pa ang hindi nakapasa sa screening, kaya naman magsasagawa muli ang mga naturang ospital sa ikalawang pagkakataon ng operation free tuli sa darating na buwan ng Hulyo.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles