18.5 C
Baguio City
Thursday, November 14, 2024
spot_img

Libreng Serbisyong Medikal, hatid ng Pamahalaan ng Tarlac

Tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng Libreng Serbisyong Medikal ng Pamahalaan ng Tarlac para sa mga residente ng Barangay Mangolago, Victoria, Tarlac nito lamang Martes ika-12 ng Nobyembre taong 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Susan A. Yap, Governor ng Tarlac katuwang ang Provincial at Barangay Health Workers ng nasabing lugar.

Isinagagawa ang serbisyong ito sa pamamagitan ng libreng konsultasyon, dental check-up, blood chemistry tests, at pamamahagi ng gamot, bitamina sa mga residente ng naturang lugar.

Kasabay nito, namahagi rin ng libreng bigas sa mga benepisyaryo ng nasabing aktibidad.

Patuloy ang pagtutok ng gobyerno sa pagpapabuti ng kalusugan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng mga makabuluhang programa at tulong medikal para sa maunlad at mapayapang Bagong Pilipinas.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles