Masayang ipinamahagi ng Pamahalaan ng Angeles City ang mga libreng school uniforms at school supplies sa iba’t ibang Day Care Center ng Angeles City nito lamang Lunes, ika-20 ng Pebrero 2023.
Naging possible ang pamamahagi sa ilalim ng liderato ni Honorable Carmelo Lazatin Jr, Mayor ng Angeles City.
Umabot sa 2,227 pares ng sapatos, mga damit, bags, at school supplies ang ipinamahagi sa mga mapapalad na mag-aaral ng Angeles City.
Lubos ang galak ng mga magulang sa tulong na handog ni Mayor Lazatin na naghatid ng saya sa mga mag-aaral.
Layunin ng Pamahalaan ng Angeles City na makapagbigay ng magandang kalidad lalo na sa edukasyon at malaking tulong para sa mga magulang ng bata na walang kakayahan na bumili ng gamit.