17.8 C
Baguio City
Friday, September 20, 2024
spot_img

Libreng School Kits, handog ng Lokal na Pamahalaan ng Tarlac City

Namahagi ang mga tauhan ng Lokal na Pamahalaan ng Tarlac City ng libreng school kits para sa mga mag-aaral mula Grades 1-6 ng Mapalacsiao Elementary School, Tarlac City nito lamang Huwebes, ika- 1 ng Agosto 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Honorable Cristy Angeles, Mayor ng Tarlac City katuwang si Mr. Vic Angeles, buong Angeles Family at ang Kaisa Team.

Labis ang pasasalamat at galak ng mga estudyanteng nahandugan ng mga libreng school supplies na kanilang gagamitin sa kanilang pag-aaral.

Ang mga tulong ay malaking ginhawa sa mag-aaral pati sa kanilang mga magulang, lalo na sa panahon na maraming hamon ang kinakaharap sa edukasyon.

Patuloy ang pasasalamat sa mga nagbigay at nag-organisa ng proyekto, na nagbigay sa kanila ng inspirasyon at masidhing kagustuhan na maging matagumpay sa kanilang mga pangarap.

Ang programang ay naglalayong suportahan ang sektor ng edukasyon, partikular ang mga mag-aaral at kanilang mga magulang upang mapagaan ang gastusin sa panahon ng pagbubukas ng klase.

Ito ay isang malaking hakbang patungo sa pagpapabuti ng sistema ng edukasyon sa bansa, na naglalayong mabigyan ng pantay na oportunidad ang lahat ng mag-aaral, anuman ang kanilang kalagayan sa buhay.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles