Namahagi ng libreng school bags at school supplies ang Lokal na Pamahalaan ng Angeles City para sa mga mag-aaral ng Gov. Rafael Lazatin Integrated School ng Angeles City nito lamang Huwebes, ika-28 ng Setyembre 2023.
Ang naturang tulong na pinangunahan ni Hon. Carmelo Lazatin Jr, Mayor ng Angeles City.
Umabot sa 3,243 na estudyante ng nasabing paaralan ang nabigyan ng libreng school bags at school supplies gaya ng lapis, kwaderno, papel at iba pa.
Lubos ang pasasalamat ng mga estudyante at mga magulang sa ipinamahagi na libreng gamit pang-eskwela.
Patunay lamang na ang Local Government Unit ng Angeles City ay patuloy sa paghahatid ng iba’t ibang serbisyo para sa magandang kinabukasan ng kanilang nasasakupan.