Nagsagawa ng Libreng-sakay ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board-Central Luzon (LTFRB-3) sa probinsya ng Pampanga, Bataan, Bulacan, Tarlac at Zambales mula April 13 – 28, 2022.
Higit 700,000 na manggagawa at authorized persons outside residence (APORs) ang nakikinabang sa libreng-sakay ng Government’s Service Contracting Program Phase 3.
Nakapagtala ng 725,422 free rides ang Public Utility Vehicle Operators at drayber para sa lahat ng mga commuters na labis na naapektuhan ng pandemya at pagtaas ng gasolina.
Sasagutin ng gobyerno ang mga gastusin sa gasolina, pagdidisimpekta, buwanang amortisasyon, at iba pang overhead na gastos.
Babayaran ang mga driver at operator ng PUV batay sa bilang ng mga biyaheng biniyahe kada linggo anuman ang bilang ng mga pasaherong kanilang nakukuha.
Source: pna.gov.ph