21.4 C
Baguio City
Monday, March 31, 2025
spot_img

Libreng pampurga at bitamina para sa mga kalabaw, hatid ng Pamahalaan ng Concepcion

Makabuluhang aktibidad ang hatid ng Lokal na Pamahalaan ng Concepcion para sa mga masisipag na magsasaka ng Barangay Talimundoc San Miguel, Concepcion, Tarlac nito lamang Sabado ika-22 ng Marso 2025.

Ang programang ito ay pinangunahan ni Municipal Veterinarian Dr. Roland Arciga, bilang bahagi ng mga programang pang-agrikultura sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Noel Villanueva.

Isinagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng libreng pampurga at bitamina sa 52 kalabaw ng nasabing lugar.

Ang lokal na pamahalaan ay patuloy na magsusulong ng mga programang pang-agrikultura upang mapanatiling produktibo at malusog ang mga alagang hayop na mahalaga sa ikinabubuhay ng maraming pamilyang magsasaka.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles